Ang papuri ay kay Allah at naway ang kanyang pagpugay at kapayapaan ay mapasa kanyang mga Propeta, Sugo at kanilang tagasunod hanggang araw ng paghuhukom.
Mga Kapatid,
Maraming salamat sa inyong lahat sa inyong pagsubaybay sa ating programa, salamat din sa Inyong mga tulong at patuloy natin naisakatuparan ang ating programa ngayong buwan ng Ramadhan sa taong ito. Dalangin ko kay Allah na naway tanggapin niya ang ating pagsisikap at naway isama niya ito sa ating timbangan ng mabubuting gawa sa araw na walang pagaalinlangan.
Humihingi din ako ng paumanhin sa lahat ng pagkukulang at pagkakamali nating nagawa naway mapatawad tayo ni Allah.
Dalangin ko na naway muli tayong magkasama sa susunod na Ramadhan upang tumalakay nanaman ng bagong paksa na magiging sanhi ng paglakas ng ating pananampalataya na lalo nating higit na kailangan sa panahon ng Ramadhan upang makamit natin ang layunin ng pagtataglay ng Taqwa o pagkatakot makagawa ng pagkakamali sa mga batas ni Allah.
panghuli naway ibilang tayo ni Allah sa mga taong nagsama para sa kanya at maghihiwalay para sa kanya.
Mabiyayang Buwan ng Ramadhan muli sa inyong lahat aking mga minamahal na kaptid.
Ang alipin ni Allah,
Ustadh Ahmad Javier
Podcast: Play in new window | Download (Duration: 23:38 — 10.8MB)
Recent Comments